Kinilala ang Boracay Island bilang ika-8 Best Island in the Asia-Pacific sa Travel + Leisure Luxury Awards Asia Pacific.
Ikinatuwa ng Malay-Boracay Tourism Office ang bagong pagkilala sa isla.
“Another proud milestone for our island paradise. The world continues to recognize what we proudly call home,” ayon sa Malay-Boracay Tourism Office.
“As we celebrate this achievement, we remain committed to preserving the beauty of our island and delivering exceptional experiences to travelers from around the world,” dagdag nito.
Isa ang Boracay sa dalawang destinasyon mula sa Pilipinas na napabilang sa listahan ngayong taon. Ikaapat naman ang Palawan.
Mas maaga ngayong taon, kinilala rin ng Tripadvisor ang Boracay bilang ika-6 Best Beach in Asia.
Noong huling bahagi ng 2025, itinanghal din ito ng Condé Nast Traveler Readers’ Choice Awards bilang pinakamahusay na isla para sa “sunbathing, surfing, and doing absolutely nothing.”
Trending
- Ateneo pumalag sa ‘dangerous rumors’ laban sa men’s basketball team
- Pacquiao-Mayweather 2, postponed muna
- Cristine Reyes tumanggi mag-endorse ng online sugal
- Paolo Contis kinukulit si Aly Alday
- Coco nasasaktan sa bansag na ‘masungit’
- Hirit ni Jinggoy na pagsama-samahin mga kaso sa flood control tinabla ng Sandigan
- Juvenile council nanawagan ng rehab, mental health services para sa young offenders
- Mental health neglect itinurong dahilan ng karahasan sa mga eskuwelahan
