Kung mayroon umanong isa sa dapat panagutin sa katiwalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH), partikular na sa anomalya sa flood control projects, ito ay si dating Secretary Manuel Bonoan.
Ito ang pahayag ni ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio na tutol na gawing state witness si Bonoan sa anomalya sa flood control projects dahil nangyari ang pinakamalaking katiwaliang ito sa kanyang pamumuno sa nasabing ahensya.
“Napakahalaga ng papel ni Bonoan bilang former secretary ng DPWH. Dapat isa siya sa mga pinaka-accountable sa flood control corruption,” ani Tinio sa panayam nitong Martes, kaya kuwestiyonable pa sa kanila na gawin itong state witness.
Noong Lunes ay inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na tatanggalin na si Bonoan sa bilang isa sa mga akusado sa flood control projects na nakahain sa Sandiganbayan at gagawin na umano ito bilang state witness.
Dahil dito, kinuwestiyon ni Tinio ang hakbang na ito ni Remulla dahil hindi mangyayari aniya ang na anomalyang ito kung walang mahalagang papel na ginampanan ni Bonoan bilang pinakamataas na opisyal ng ahensya.
Hinamon din ni Tinio si Remulla na isapubliko ang kasunduan sa pagitan nilang dalawa ni Bonoan kung bakit nauwi sa paglaglag sa dating kalihim bilang akusado sa anomalya.
Iginiit ng mambabatas na karapatan ng taumbayan lalo na pinagnakawan sa flood control projects, na malaman ang nilalaman ng kasunduang ito kung meron man.
“Ano ang kapalit para pag-discharge sa mga kaso laban kay Bonoan? Ano bang nangyari?” ayon pa kay Tinio dahil hindi tulad aniya ni dating Usec Roberto Bernardo ay walang affidavit na nakikita ang publiko mula sa dating kalihim.
Trending
- Germany vs Paraguay: Mag-aagawan ng puwesto sa Round of 16
- Jimmy Alapag, itinalagang bagong head coach ng NLEX
- Wax figure ni Kathryn, ia-unveil na
- Mother ni Eman, rumesbak sa mga bashers
- Maricel at Anthony, pinuri sa pagpapalaki kay Donny
- Criminal liability ng pabayang gun owners inuumang na
- Bonoan isa sa mga may malaking pananagutan sa korapsiyon sa DPWH
- Flood-control case vs Chiz, posibleng maisampa sa 2-3 linggo
