Kinumpirma ni PCol. Benaly Bayani, Chief ng Internal Medicine Department ng Philippine National Police na nasa PNP General Hospital si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.
Ayon kay Bayani, sumasailalim pa rin si Bonoan ngayon sa treatment para sa Hypertensive Vascular Disease at Chronic Kidney Disease.
Nang tanungin naman kung kailan siya nailipat , sinabi naman ng PNP na magbibigay sila ng eksaktong detalye kung kailan binalik ang nasabing dating kalihim.
Nabatid na nilipat sa pribadong ospital si Bonoan dahil sa kaniyang kondisyon.
Si Bonoan ay nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng flood control scandal, kung saan kasama nya sa nasabing mga kaso sina Senator Jinngoy Estrada at tatlong iba pang opisyal.
Trending
- Donovan Mitchell lumagda ng $273M max extension sa Cavaliers
- Alex Eala sasabak sa Mubadala DC Open
- Ryan Bang namigay ng tig-P100K sa PA, driver
- Alex, ibinuking na niligawan nina JLC at Papa P
- ‘Paglalandi’ ni Paolo sa beauty contestant, binisto
- Bonoan, ibinalik sa PNP General Hospital
- Titser, sumideline sa patulak ng droga
- Parak todas sa drug ops sa Cavite
