Isang binata ang nasawi matapos makuryente habang natutulog sa kanyang silid nang salakayin ng baha ang kanilang bahay dulot ng 4.9 talampakang high tide, nitong Huwebes, Mayo 29, sa Barangay San Isidro.
Kinilala ang biktima sa pangalang “Ato”, isang kilalang motorcycle rider at residente ng nasabing barangay. Ayon sa mga kaanak at kakilala, si Ato ay kilala sa pagiging mabait, palabati, at palangiti sa kanilang komunidad.
Batay sa viral Facebook post ng mga malalapit sa biktima, kasalukuyang nagpapahinga si Ato nang biglang pumasok ang tubig-baha sa kanyang kuwarto at abutin ang extension wire na nakakonekta sa isang aktibong electrical source. Nagkaroon umano ng pagsabog sa wire, na siyang naging sanhi ng pagkakakuryente ng biktima.
Ayon sa mga kaanak, tanggap nila ang nangyari at walang sinisisi sa insidente. Bagamat masakit ang pangyayari, umaasa sila na ito ay maging muling paalala at matawag pansin ng mga kinauukulan upang bigyang solusyon ang matagal nang problema sa pagbaha sa kanilang lugar, kahit pa sa panahon ng tag-init.
“Ang nangyari ay isang trahedya, pero sana ay magsilbing aral at magbunga ng konkretong aksyon para sa kaligtasan ng mga residente,” pahayag ng isa sa mga kaanak.
Sa ngayon, nananawagan ang mga residente ng Barangay San Isidro sa lokal na pamahalaan para sa agarang aksyon at long-term flood mitigation measures upang maiwasan ang pag-ulit ng kaparehong insidente.
Trending
- Pambato ng PTA umabante sa Philta Women’s Open semis
- Annie Ramirez, Yman Xavier Baluyo PH flag bearers sa Asian Beach Games opening ceremony
- Celeste, ready ng magpa-sexy
- Kyline, magbibigay ng ayuda sa mga driver ng jeep
- Bea-Vincent wedding ‘di tuloy sa May 16
- 12 ex-Marines sa ‘maleta scam,’ Zaldy Co, paghaharapin sa Blue Ribbon hearing
- Validity ng mga lisensya at registration, extended na
- Angkas babawasan komisyon sa mga rider
