Sinabi ng Bureau of Immigration (BI) na nakuha na nito ang kopya ng inilabas na Precautionary Hold Departure Order (PHDO) ng Sandiganbayan laban kay Senator Rodante Marcoleta at tatlo pang indibidwal, at handa itong ipatupad sakaling tangkain nilang umalis ng bansa.
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, alam ng ahensya ang nasabing kautusan at makikipag-ugnayan ito sa Sandiganbayan sakaling makita ang mga sangkot sa anumang international port.
“We were able to secure a copy of the release of the Sandiganbayan,” ayon kay Sandoval, at idinagdag na wala umanong naitalang kamakailang biyahe para sa apat na indibidwal.
Noong Martes, pinagbigyan ng Sandiganbayan ang hiling ng Office of the Ombudsman na maglabas ng PHDO laban kina Marcoleta, dating kongresista Michael Defensor, at mga negosyanteng sina Joseph Espiritu at Aristotle Viray.
Inisyu ang kautusan kaugnay ng kasong plunder, indirect bribery, at paglabag sa Presidential Decree No. 46 na nagbabawal sa pagbibigay ng regalo sa mga opisyal ng gobyerno.

Share.
Exit mobile version