Tumestigo si state witness at dating Public Works Undersecretary Roberto Bernardo sa pagdinig ng kasong malversation laban kay dating Senador Bong Revilla Jr. at anim nitong kapwa akusado kaugnay ng umano’y P92.8 milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Humarap si Bernardo sa Sandiganbayan nitong Martes, Agosto 4, para sa pagpapatuloy ng paglilitis.
Noong Biyernes, pinagbigyan ng korte ang petisyon ni Revilla na makapagpiyansa. Nakalaya ang dating senador matapos maglagak ng P1 milyong piyansa.
Ayon sa kampo ni Revilla, ini-waive na ng dating senador ang kanyang pagdalo sa presentasyon ng ebidensya ng prosekusyon.
Nauna nang isiniwalat ni Bernardo sa pagdinig ng petisyon para sa piyansa ni Revilla na personal umano siyang nag-deliver ng kabuuang P250 milyong commitment fee o bahagi ng bayad para sa mga proyekto ng gobyerno sa dating senador.
Ayon kay Bernardo, dalawang beses umano siyang nagdala ng tig-P125 milyon sa White House residence ni Revilla sa Cavite noong 2024 at Marso 2025.
Bukod dito, sinabi rin niyang naghatid umano ang kanyang aide ng panibagong P250 milyon sa bahay ni Revilla noong Pebrero 2025, bagama’t wala umano roon ang dating senador nang mangyari ito.
Aniya, anim na kahon at isang paper bag ang unang naihatid, 13 kahon ang ikalawa, at anim na kahon naman ang ikatlong delivery.
Trending
- Warriors muling pinapirma sina De’Anthony Melton at Gary Payton II
- Pacman, tinalakan ‘bentahan ng laro’ sa liga niya
- Maja at Kathryn, magkahiwalay ng tent, magkagalit?
- Andres at Kai, magdjowa na?
- Rochelle at Jopay, kumpirmadong may iringan!
- P12K sa guro sa Cavite special polls
- Mga senador kinuwestiyon TRO vs P85 umento
- Special Education Fund para sa seguridad ng iskul
