Nagpakitang-gilas ang Filipina tennis star na si Alexandra “Alex” Eala matapos niyang talunin ang world No. Two na si Elena Rybakina sa score na Seven-Five; Six-Four sa Berlin Open.
Isa itong makasaysayang panalo na nagbigay sa kanya ng tiket papuntang quarterfinals ng prestihiyosong torneo sa Germany.
Sa unang set, nakalamang si Rybakina ng Four-One ngunit hindi nagpadaig si Eala. Sa pamamagitan ng matibay na depensa at nagka-capitalised sa double faults ng kalaban, naitabla niya ang laban at tuluyang nakuha ang set, Seven-Five.
Sa ikalawang set, maagang nakabuo ng momentum si Eala, nakakuha ng break point at tinapos ang laban sa Six-Four.
Ang panalo laban kay Rybakina ay ikalima nang tagumpay ni Eala kontra sa isang top-10 player, at ikalawa laban sa isang No. Two seed sa loob ng dalawang taon.
Nakatakda ang Next Match Quarterfinals laban kay Elina Svitolina (World No. Six) ngayong Hunyo DisiNuebe.
Ang laban ay inaasahang magiging mahigpit dahil ito ang kanilang unang head-to-head meeting sa Women’s Tennis Association Tour.
Si Eala ay kasalukuyang nasa momentum matapos ang kanyang kampeonato sa Birmingham Open (W.T.A. 125).
Ang kanyang performance sa Berlin ay nagbibigay ng kumpiyansa bago ang Wimbledon main draw na magsisimula sa Hunyo Beinte Nuwebe , Dosmil Beinte Sais.
“Mula Berlin patungong Wimbledon, dala ni Alex Eala ang bandera ng Pilipinas sa pinakamalalaking entablado ng tennis.”
