Malakas ang bulung-bulungan na imbudo raw umano ang ilang katrabaho ni Bela Padilla sa kanyang serye.
Natalakay din ito ng showbiz journalist na si Ogie Diaz sa kanyang vlog.
Na-cite kasi ni Mama Ogs ang tungkol sa cryptic post ng aktres hinggil sa reaksyon nito sa isang seryeng kinabibilangan niya.
Sey kasi nito sa IG story: “When you give it your all pero di man lang pala siya day ender.”
Ayon kay Mama Ogs, ang tinutukoy daw ng aktres ay ang pagkadismaya nito dahil hindi naging day ender o cliffhanger ang eksenang ginawa niya kung saan todo-todo ang effort ni Bela.
Hirit naman ng talent manager turned vlogger, hindi raw call ng produksyon kundi call ng editor ang paggawa ng day-ender.
Usually, hindi rin daw dapat nakikialam ang artista pagdating sa ganoong aspeto.
Pakiwari niya, lumalabas daw kasi na nag-a-attitude ang aktres.
Dagdag pa ni Mama Ogs, may mga tsikang nakarating daw sa kanya tungkol sa paglaki ng ulo ng aktres.
“Totoo ba na ikaw ay sakit ng ulo ng production?” pagtumbok ni Ogie sa aktres.
Ibinahagi pa nito na may mga reklamo rin daw itong ipinahatid sa top management na dapat daw ay ipinaabot na lang nito sa produksyon.
Bukas naman ang pahinang ito sa panig ni Bela at maging ng co-actor nitong si Baron Geisler hinggil sa isyu.

Share.
Exit mobile version