Patay ang 89-anyos na bedridden na lola nang masunog ang pitong bahay sa bayan ng Sara, Iloilo noong Martes ng gabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), limang bahay ang tuluyang naabo habang dalawa ang bahagyang nasira, na may tinatayang P1.6 milyon na halaga ng pinsala.
Nakatira umano ang biktima kasama ang kanyang 82-anyos na kapatid, na kapwa nangangailangan ng tulong sa araw-araw.
Base kay Fire Inspector Jory Biliran, nakatanggap sila ng tawag 9:10 ng gabi at agad rumesponde, ngunit pagdating sa lugar ay malaki na ang apoy kahit malapit lamang ito sa kanilang istasyon.
“We were surprised that even though the fire was just behind our station, the blaze was already massive when we responded,” ani Biliran.
Nahihirapan din ang mga bumbero na makontrol ang sunog matapos maubos ang tubig ng kanilang fire truck na may kapasidad na 1,000 gallons.
Idineklara ang “fire out” 12:12 ng madaling araw kinabukasan.
Patuloy pang iniimbestigahan ang pinagmulan ng sunog, ngunit sa paunang impormasyon, posibleng sanhi ito ng natumbang katol o naiwang baga bagama’t hindi pa ito kumpirmado.
Trending
- Sixers muling kinastigo ang Celtics
- DepEd, nakiramay sa pagpanaw ng isang student-athlete
- Kathryn, engaged na
- lan, nagsalita na sa kasal ni Bea
- Derrick, plano nang magpatali!
- 4K magsasaka apektado ng matinding init sa Sarangani
- LTO: Walang blanket ban sa e-bikes, e-trikes
- Presyo ng gasolina, diesel tataas sa susunod na linggo
