Si Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang may pinakamaraming absent sa first regular session ng Senado sa 20th Congress, batay sa official attendance record ng Senado.
Sa dokumento ng Senado, absent o lumiban si Dela Rosa ng 31 sa 58 session days mula Hulyo 28, 2025 hanggang Marso 18 ng taong ito.
Nagsimulang hindi sumipot si Dela Rosa sa Senado noong Nobyembre 2025 matapos ihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na naglabas na ng arrest order ang International Criminal Court laban sa kanya dahil sa kanyang papel sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Pumangalawa kay Dela Rosa sa pinakamaraming absent si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na hindi dumalo sa sesyon ng 14 beses at late o huli din siya ng 24 beses.
Sa nagdaang 19th Congress, si Cayetano ang may pinakamaraming absent kung saan dumalo lamang ito ng 36 sa 54 session days ng Senado.
Samantala, nakapagtala ng 16 na pagliban ang baguhang si Sen. Camille Villar matapos siyang mag-file ng maternity leave.
Samantala, nagtala ng perfect attendance si Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri and Senators Sherwin Gatchalian, Jinggoy Estrada, Robinhood Padilla, Imee Marcos, Joel Villanueva, Bam Aquino, Christopher “Bong” Go, Rodante Marcoleta at Risa Hontiveros.
May tig-iisang absent naman sina Sens. Francis “Kiko” Pangilinan, Erwin Tulfo at Francis “Chiz” Escudero.
May tig-dalawang absent naman sina Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson, Senadora Loren Legarda at Senador Lito Lapid.
Si Sen. Pia Cayetano ay 55 beses na dumalo sa sesyon, 53 kay Sen. Mark Villar, at parehong 52 araw na present sina Sen. JV. Ejercito at Sen. Raffy Tulfo.

Share.
Exit mobile version