Inihayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na hindi niya pinagsisisihan ang pagpapatupad ng giyera kontra droga sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, nakatulong ito sa kapayapaan at kaayusan sa bansa.
“Why do I regret, kung makita mong masaya ‘yung mga kababayan na nag-e-enjoy sila na peaceful ang ating paligid?” saad ni Sen. Bato.
Gayunpaman, inamin niyang mayroong lapses sa war on drugs campaign.
“Na-convict nga ‘yung mga pulis na pumatay kay Kian delos Santos ‘di ba?” sabi niya.
“No war is perfect. Hindi mo ma-perfect ‘yung war kaya may mangyayaring hindi talaga maganda,” sagot pa ng senador nang tanungin kung pinagsisihan niya ang nasabing lapses.
Trending
- Charly Suarez pinatumba si Avila sa Round 1
- Spain kampeon sa 2026 FIFA World Cup
- Andrew E, nag-mini concert sa graduation ng int’l school
- Maja, tinuruang lumangoy ang baby
- Blind item, tinumbok: Iza Calsado at asawa
- Parak sapol ng stray bullet sa away 2 grupong Moro
- Pulis patay sa pagresponde sa gulo sa videoke bar
- Ligtas na access sa WPS mahalaga
