Kulong ang 32-anyos na basurero nang mahuli sa akto na sumisinghot ng shabu sa harap mismo ng paslit niyang anak sa Valenzuela City.
Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Joseph Talento kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, dakong alas-7:10 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Police Sub-Station 2 ang suspek na si alyas “Jerome” sa kanilang bahay sa San Gregorio St., Brgy. Gen. T. De Leon.
Habang nagsasagawa ng “Oplan Galugad” ang mga tauhan ng SS2 sa nasabing lugar, napansin nina P/Cpl. Elmer Olieca at Pat. Sherwin Caampued ang paggamit ng shabu ni “Jerome” sa kanilang tirahan.
Nang lapitan ng mga pulis, kitang-kita ang ginagawang pagsinghot ng shabu ng suspek sa harap mismo ng isa’t kalahating taong gulang niyang anak.
Nakumpiska ng mga pulis mula sa suspek ang isang plastic sachet na may bahid ng shabu, aluminum foil, improvised burner, at dalawang disposable lighter.
Na-inquest na ang suspek sa mga kasong Illegal Possession of Drug Paraphernalia at Use of Dangerous Drugs sa ilalim ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
Trending
- Rematch kay Mayweather ni Pacman, huli na?
- Pag-expand sa Seattle at Las Vegas, aprub
- Yeng Guiao pinuri ang Elasto Painters
- Jia de Guzman, naghain ng papuri para sa pagpapabuti ng kapakanan ng atleta
- Echo, magiging lolo na?
- Kris at Dong, may nilulutong raket
- Kim, kinabog sina Juday at Kathryn sa Primetime Queen title
- 2 Indian medical students huli sa ‘pautang’ scheme
