tesssssstt

Nanawagan ang 101st Infantry Brigade ng Philippine Army sa liderato ng Moro Islamic Liberation Front na agad na umaksyon sa pagkakasangkot ng ilang mga MILF members sa madugong ambush ng mga sundalong patungo sana sa isang lugar sa Sumisip, Basilan kaugnay ng humanitarian program ng United Nations para sa lokal na mga komunidad.

Naganap ang insidente nitong Miyerkules, ng hapin January 22, 2025, kung saan dalawang kasapi ng 32nd Infantry Battalion and nasawi at 12 na iba pang mga sundalo ang sugatan.

May ulat ang mga residente ng Sumisip na dalawa sa mga nag-ambush sa kanila ang nasawi sa engkwentro.

Kinumpirma nitong Huwebes ni Brig. Gen. Alvin Luzon, commander ng 101st Infantry Brigade, na ang pagtungo ng mga sundalo sa Cabembeng, isa sa mga barangay ng Sumisip, may kaugnayan sa mga proyekto ng United Nations Development Programme, o UNDP, sa naturang lugar at hindi isang military tactical activity.

Ayon sa mga residente ng Cabembeng at ng ilang traditional Yakan leaders sa naturang lugar, ang mga nag-ambush sa mga tropa ng 32nd IB ang pinamumunuan nila Najal Buena at Oman Hajal Jalis, na sangkot sa mga “rido,” o away ng mga angkan, na parehong nasa likuran din diumano ng iba’t-ibang mga krimen sa Sumisip. Sinunog nila ang KM450 Army truck na sinakyan ng mga sundalong kanilang tinambangan.

Ayon kay Luzon at ilang mga residente ng Sumisip, tumulong sa mga grupo nila Buena at Jalis ang ilang mga miyembro ng MILF na mga taga Cabembeng sa pag-ambush sa mga sundalo, bagay na nais nilang paimbestigahan sa liderato ng MILF. May peace agreement ang MILF sa pamahalaan.

Magkahiwalay na kinondena ang insidente ng mga military at police officials sa Basilan, ng governor ng probinsya na si Hadjiman Salliman, ng local executives ng Sumisip, at ni Basilan Congressman Mujiv Hataman.

Share.
Exit mobile version