The “art of dedmatology.”
Ganito nga ang ganting reaksyon ni Baron Geisler sa panawagan ng asawang si Jamie Evangelista na magpa-rehab ito.
Sa nakaraan ngang post ng psychiatrist wife ng aktor, isiniwalat niyang balik-bisyo ito.
Ang exposè ni Jamie ay ginawa niya habang nagpapa-facial treatment.
Ang inakala nating Baron na sasagot sa emote ni Jamie, hayun, dedma lang–as in wapakels!
Sa halip, puro pampa-good vibes ang mga posts niya.
Isa na dito’y ang pakikipag-bonding niya kay Sophia.
Sophia is Baron’s daughter with Nadia Montenegro.
Makikitang kumain ang mag-ama sa isang Japanese restaurant.
Happy lang ang peg with Baron hugging Sophia.
“Mahal kita, anak, nang sobra!” caption ni Baron kalakip ang red heart emoji.
Obyus na as long as Baron is happy with his daughter, no amount of Jamie’s emote can rattle him.
Pero ayon naman kay Nadia Montenegro ay inalis na muna niya si Sophia sa poder ni Baron.
=====
Trending
- EALA VS BENCIC : QUARTERFINALS SPOT TAYA
- BT Toews head coach ng Gilas Women
- Baron, wapakels sa emote ng misis
- Nadia, nakasuporta pa rin kay Robin
- Heart, aminadong may bisyo
- Pulis nalunod sa pagsagip sa kasamahan sa ilog
- Baby itinapon sa basurahan
- Baligod sinagot mahigit P1M piyansa ng 14 ‘Maleta Boys’
