Nagbago ng pananaw si Barbie Forteza pagdating sa isyu ng pakikipag-date at pagpapakasal.
Ayon kay Barbie, sa isang lumang interview ay nasabi niyang ikokonsidera na niya ang makipag-date at may intensyong magpakasal.
Sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ sinabi ni Barbie na nabago na ang kanyang pananaw tungkol sa pagpapakasal at pakikipag-date.
Ani Barbie, marami na siyang natutuhan ngayon sa mga respetadong abogado tungkol sa pagpapakasal kaya gusto na niyang bawiin ang dati niyang sinabi.
“Now I would like to take that back. I’m not open to marrying anytime soon even if I fall in love,” ani Barbie.
Sa ngayon, sey pa ni Barbie, ang posisyon niya sa pakikipag-date ay: “date when I’m sure na lang, date when I’m sure pero hindi na para to marry.”
====
