tesssssstt

Ang panukala na ipagpaliban ang nakatakdang barangay elections nitong 2025 ay kabilang sa mga prayoridad na matalakay sa pagbabalik ng sesyon sa Senado sa susunod na linggo, ayon sa pahayag nitong Biyernes ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino.

Ayon sa kanya, kasama rin sa mga prayoridad ay ang panukala para sa modernisasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang panukalang pagtaas sa pension differentials ng mga kawani ng Department of Foreign Affairs (DFA), at ang panukalang maamyendahan ang Baguio City charter.

Idininagdag pa ni Tolentino na ang panukalang ipagpaliban ang Barangay and Sangguniang Kabataan elections ay lumusot na sa bicameral conference.
Kapag ito ay naging batas, dalawang taon ang madadagdagan din ang termino ng mga kasalukuyang mga lokal na opisyal.

Share.