Sinabi ni Vice President Sara Duterte na hindi pa niya nakikilala si Peter Haynes, ang bagong lead counsel ng dating pangulong Rodrigo Duterte sa kaso nito sa International Criminal Court.
Nasa The Hague, Netherlands si VP Sara upang bisitahin ang kanyang ama na nakakulong dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng war on drugs ng kanyang administrasyon.
Ayon kay Duterte, hahayaan na lamang nila ang ICC na maglabas ng opisyal na pahayag tungkol sa kaso.
Sa isang filing noong Mayo 8, sinabi ng dating abogado ni Duterte na si Nicholas Kaufman na plano ng dating pangulo na kunin si Haynes bilang bagong lead defense counsel.
Si Haynes ay isang British lawyer na may mahabang karanasan sa international criminal law. Naging abogado na rin siya ng ilang high-profile clients sa ICC at dati ring nagsilbing presidente ng ICC Bar Association.
Trending
- LeBron, Lakers dinispatsa ng Thunder
- Nationwide drive kontra-lunod pinalakas ng PSC
- Erik Santos todo suporta sa pagka-ina ni Angeline Quinto
- Winwyn, role model bilang Reyna Elena
- Alex, pinagdarasal ng friends na buntis na
- Lahat ng legal remedies, gagawin ng kampo ni Sen. Bato
- Lahat ng legal remedies, gagawin ng kampo ni Sen. Bato
- Peter Haynes bagong abogado ni ex-Pres. Duterte sa ICC
