Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang 18 taong gulang na lalaking nagpatiwakal sa Naga City.
Ayon saulat, kapitbahay ng biktima ang nakakita sa nakabitin niyang katawan sa isang puno malapit sa kanilang bahay.
Lumalabas sa imbestigasyon na marami umanong pinagdadaanan ang biktima. Batay din sa salaysay ng tiyuhin niya, isa umano sa kanilang tinitingnang rason sa mabigat na pasanin ng pamangkin niya ay ang pakikipaghiwalay daw ng girlfriend nito sa kaniya noong nakaraang linggo.
Hinala pa ng mga awtoridad, posible umanong alas-dos ng madaling araw ginawa ng biktima ang pagpapatiwakal at ilang oras na siyang patay bago pa nadiskubre ang kaniyang katawan nitong Lunes, 7:00 ng umaga.
Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa iba pang posibilidad na dahil sa pagpapatiwakal ng biktima.
Trending
- HDO GRAND SLAM : ROMUALDEZ, ESCUDERO, NGU BAWAL SA ABROAD
- BAGETS BASTED, NAG-SUICIDE
- CYBERCRIME:15 ARESTADO
- POLITIKA DI MASIKMURA, BINOE LALAYAS SA PINAS
- Lakers, pinadapa ang Rockets sa overtime, 112-108
- Alex Eala, Zeynep Zonmez lusot na sa unang round
- Mark, inamin hiwalay at balikan nilang mag-asawa
- Maymay, in-unfollow sina Donny at Kyle!
