ATONG ANG, GRETCHEN BARRETO KINASUHAN NA
https://youtu.be/cBU3gwRR-wM?si=li89Gps3vjpQKdfJ
NAGHAIN na ang mga pamilya ng nawawalang sabungeros ng mga kasong multiple murder at serious illegal detention laban kay negosyanteng Charlie “Atong” Ang, aktres na si Gretchen Barretto, at ilang iba pa kabilang ang ilang tauhan ng Alpha Group at mga pulis.
Si Julie “Dondon” Patidongan, dating farm manager ni Ang, ang nagsilbing whistleblower at nagsumite ng affidavit kung saan tinukoy si Ang bilang utak sa likod ng mga pagdukot at pagpatay sa 34 sabungeros mula 2021 hanggang 2022.
Kasama rin sa mga testigo ang kanyang mga kapatid gaya ni Elakim Patidongan, na umano’y nakasaksi sa pagpatay sa hindi bababa sa 10 sabungeros.
Bumuo na ng panel ang DOJ para suriin kung itutuloy ang formal na pagsasampa ng kaso sa korte.
May kontra-reklamo rin si Ang laban kina Patidongan at Alan Bantiles, kabilang ang grave threats, coercion, slander, at incriminating innocent persons.
Isinama si Barretto sa affidavit bilang may alam umano sa mga operasyon ni Ang.
Mariin niyang itinanggi ang pagkakasangkot, at sinabing isa lamang siyang investor sa e-sabong business.