tesssssstt

Nagpapagaling na ang
nakatatandang kapatid ni Sam Milby buhat sa isang road accident.

Ibinahagi ng Fil-Canadian actor sa kanyang Instagram ang nakuhang CCTV ng naturang sakuna.

Kitang-kita ang matinding impact ng umararong truck sa isang sasakyan.

Nagkataong nahagip ng sasakyan ang motorsiklong minamaneho ng ate ni Sam.
Sa kasamaang palad, fatally injured ang lulan ng wasak na wasak na kotse.

Himala namang nakaligtas ang elder sister ng aktor, na hindi man lang nagtamo ng fractures kundi bruises lang.

Kinailangan nga lang gumamit ng saklay ang ate ni Sam.

“It was a miracle but not the way my sister intended to spend the holidays,” ani Sam of his sis na nasa road to recovery na.

Dahil dito, nananawagan si Sam lalo na sa mga may-ari ng mga lumang truck na mag-conduct ng masusing maintenance to determine the vehicles’ roadworthiness.

Share.