Bukod sa pagtiyak sa seguridad sa enerhiya at seguridad sa pagkain, kasama sa mga tinalakay ng mga lider sa Asya sa katatapos na 48th ASEAN Summit and Related Meeting sa Cebu ang zero-tolerance na hakbang sa illegal drug trade.
Sa ginanap na pulong, kinilala ng ASEAN bloc ang mga mekanismo para sa regional cooperation upang matugunan ang problema sa pagkalat ng ilegal na droga.
Kabilang sa mga napagkasunduan sa ASEAN Summit ang patuloy na implementasyon ng ASEAN Workplan on Securing Communities Against Illicit Drugs, na nakaangkla sa ASEAN Political Security Community Strategic Plan.
Hindi lamang ang Pilipinas ang may malaking problema sa ilegal na droga kundi maging ng ibang mga bansa sa Asya kaya mahalaga anila ang regional cooperation upang hindi makapamayagpag ang mga sindikato sa ilegal na droga.
Nagkasundo rin ang mga ASEAN leader na isama sa kanilang kalendaryo ang pag-obserba sa ASEAN Drug Victims Remembrance Day sa June 26 , alinsunod sa International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking.

Share.
Exit mobile version