tesssssstt

Hindi lang proud kundi ramdam sa mensahe ni Anne Curtis kung gaano niya kamahal ang kanyang asawa na si Erwan Heussaff at sa lahat ng mga ginagawa nito sa kanyang career bilang social media personality, host at influencer.

Ibinida ni Anne si Erwan sa kanyang birthday post greeting kalakip ang unang larawan ni Erwan na sinundan ng iba’t-ibang larawan nito at kasama ang kanilang anak na si Dahlia.

Sabi ni Anne sa kanyang mensahe, “Happiest birthday asawa ko and Dahlia’s bestie/twin. Wishing you of achieving all your goals, from hitting a PR for your swim, finishing your own book and foraging through the most amazing cities and towns of the Philippines whilst “loving all the peoples” you meet along the way. We love you @erwan. May your full potential never need a break and burn out. We are always here to be your cheerleaders.”

Hindi ramdam sa pagbibida ni Anne sa kanyang asawa ang sinasabi ng iba na mas mayaman ang aktres sa kanyang hubby dahil kitang-kita naman ang pagiging masipag, mabuting asawa at tatay ng kanilang anak.

Malalaman din na mahal ng mga netizen at mga kasamahan sa showbiz ni Anne si Erwan dahil sa kanilang mga greetings para sa nasabing food vlogger.

 

Share.