INATASAN ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Officer-in-Charge PBGEN Christopher N. Abrahano ang lahat ng unit at police districts ng NCRPO na paigtingin ang kanilang pangangalap ng impormasyon at operasyon laban sa ilegal na droga sa buong Metro Manila.
Ginawa ang direktiba ni Abrahano matapos ang matagumpay na operasyon ng Southern Police District (SPD) na nagresulta sa pagkakabuwag ng isang hinihinalang drug den at pagkakaaresto sa limang suspek, kabilang ang isang High-Value Individual (HVI), sa Barangay Manuyo Uno, Las Piñas City nitong Oktubre 3, 2026.
Nasamsam sa isinagawang operasyon ang humigit-kumulang 105 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price (SDP) na ₱714,000.00.
“We will continue dismantling drug dens and disrupting drug networks. I have directed all NCRPO units to intensify intelligence gathering, validate reports, and take immediate lawful action against illegal drug activities.” pahayag ni PBrig.Gen. Abrahano.
Ayon sa NCRPO chief, mahalaga ang pagpapaigting ng intelligence gathering at validation upang matukoy ang mga drug personality, drug supply network, at mga lugar na ginagamit bilang drug den.
“Our campaign against illegal drugs will remain focused and sustained. We will pursue those involved in the illegal drug trade and protect our communities through intelligence-driven and lawful police operations,” ani PBrig.Gen. Abrahano.
Nanawagan naman ang hepe ng NCRPO sa mga opisyal ng barangay na maging mapagmatyag at aktibong katuwang ng pulisya sa pangangalaga sa kanilang mga komunidad.
Pinaalalahanan n’ya din ang mga may-ari o occupant ng mga bahay na ginagawang drug den na maaari silang managot alinsunod sa umiiral na batas.
“We warn drug syndicates that the NCRPO will continue to dismantle their operations. Those who knowingly allow their properties to be used as drug dens may be held accountable under the law. I urge barangay officials to stay vigilant and work with the police to keep their communities safe.” babala ni PBGEN Abrahano.(Gina Garcia)
