Kulang na lang ay tawaging stage parents sina Angelica at Mark
Andrew na finlex ang larawan ng dalawa nilang anak na nagsasanay sa gymnastics sa Japan.
Noon pa ay kinakikitaan na ng promise sina Eldrew at Elaiza sa sport kung saan nagkamit ng dalawang medalyang ginto ang kanilang Kuya Carlos.
Sina Eldrew at Elaiza ay nasa ilalim ng KG Mangement, Inc. which oversees their training.
May ilang mga achievements na rin sa international stage ang dalawang magkapatid.
Sa post ng KG, sinabi nitong kino-coach ang magkapatid na Yulo ng isang Hapon na si Mnehiro Kugiyama.
In-assure naman ng coach na nasa mabuting mga kamay ang mga ito.
Bumuhos naman ng suporta mula sa mga netizens ang pagsasanay ng Yulo siblings.
Umaasa ang mga netizens na makakapagprodyus ang bansa ng susunod na kakatawan sa larangan ng gymnastics.
Matatandaang optimistic si Ms. Cynthia Carrion, pangulo ng Gymnastics Association of the
Philippines, na may promise sina Eldrew at Elaiza sa pagsabak ng mga ito sa 2028 Olympics na gaganapin sa Los Angeles, USA.
Ayon sa isang netizen, kung sakali raw magtagumpay sina Eldrew at Elaiza, sana’y hindi makalimot sa kanilang mga magulang.

Share.
Exit mobile version