Pumasok na ang sexy star na si Angeli Khang sa programa ni Coco Martin, ang “FPJ’s Batang Quiapo.”
Isa si Angeli sa dalawang bagong karakter na mapapanood sa Kapamilya action-series.
Ang isa pa ay ang si Leo Martinez na ginagampanan ang karakter ni Mr. Kwon.
May mga nag-iisip agad na baka ma-link si Angeli kay Coco at biglang magbantay sa set ang love of his life niya na si Julia Montes.
Pero sa palagay namin ay ‘di pagseselosan ni Julia si Angeli.
Una, mukhang one-woman-man na partner si Coco.
Pangalawa, secure na secure si Julia sa pagmamahal sa kanya ni Coco.
Anyway, ipinakilala si Leo sa kwento bilang si Mr. Kwon, isang negosyante na nakipag-deal sa pamilya Montenegro. Kasama niya ang kanyang apo at tagapagmana, si Veronica, na ginampanan ni Angeli.
Ang kanilang unang araw para sa “FPJ’s Batang Quiapo” ay itinakda sa loob ng marangyang Montenegro mansion, kung saan nag-debut ang dalawang karakter.
Kung pagbabasehan ang mga eksenang ipinalabas sa ngayon, mukhang medyo nagkakasundo si Mr. Kwon at ang mga Montenegro. Maging si Tanggol (Coco Martin) ay hindi maitago ang kanyang tuwa nang pagmasdan niya ang magandang Veronica. Mabilis na nakuha ng mga manonood ang chemistry nina Coco at Angeli, at marami ngayon ang nag-iisip kung mas lalalim ba ang koneksyong ito nina Tanggol at Veronica sa mga susunod na araw.
Trending
- Carlo Biado tutumbok sa World 9-Ball tourney
- Robert Bolick, NLEX pag-eempakehin ROS
- Robert Bolick, NLEX pag-eempakehin ROS
- Pacquiao sobrang bilis ng kamay, footwork
- Bossing, nagpaliwanag sa sinabi kay Vico
- Sue makatrabaho si Bea
- Magnolia players nakatanggap ng death threats
- Carlos Yulo gold sa Asian Gymnastics Championships