Patok na patok sa mga netizen ang pag-hostage ni Andrea Brillantes kay Coco Martin sa ipinasilip na pinakauna nilang eksena na magkasama, ha!

Tinutukan kasi ng baril at kutsilyo ni Andrea (Fatima), na certified mambubudol sa serye, ang nag-iisang Coco (Tanggol) para maging susunod niyang biktima sa pangho-holdup.

At talagang hindi pa nakuntento si Andrea dahil binatukan pa niya si Coco kaya tuluyan itong nahimatay.
Tuwang-tuwa nga ang mga netizen sa pasilip na ito at inaabangan na nila ang buong eksena ng dalawa sa hit-action seryeng ‘FPJ’s Batang Quiapo’.

Heto nga ang sabi ng mga faney:
“Isang Andrea Brillantes lang pala ang magpapabagsak kay Coco/Tanggol na as we all know, na puno ng angas at tapang sa serye.”
“Naku exciting ang Fatima at Tanggol parang Mr. & Mrs. Smith este Montenegro.”

“Sa dinami-rami ng mga nagtangkang patayin si Tanggol, si Andrea at ang pagpalo ng baril, at pambabatok lang pala ang katapat.”

“More exposure kay Andrea. Ito talaga inaantay ng mga fans niya ‘yung action naman!”
Well, ito na kaya ang matagal na inaabangan ng fans na mapanood si Andrea sa kanyang action star era? Tuluyan kaya silang magiging magkalaban ni Tanggol o sila pala ang magsasanib-pwersa?

Pero sa truth lang, bagay rin ang bardagulan nila, ha! Hindi naman halatang batang-bata si Andrea kumpara kay Coco!

Share.