Masaya ang pagpasok ng bagong taon para kay Aljon Mariano matapos i-renew ng Barangay Ginebra ang kontrata niya bago nagsara ang 2024.
Mananatiling ka-Barangay ang veteran 32-year-old wingman matapos umanong bigyan ng two-year extension ng Barangay Ginebra.
Lubos namang nagpapasalamat si Mariano sa patuloy na pagtitiwala sa kanya ng koponan, na pinili siya noon bilang No. 16 overall pick sa second round ng 2015 PBA Draft.
“Siyempre grateful ako sa management, sa coaches, sa staff namin na hanggang ngayon nasa Ginebra pa rin ako,” wika niya sa isang sports website.
“It means may tiwala pa rin sila sa akin and naniniwala pa rin sila sa maitutulong ko sa team,” dagdag pa niya.
Pitong kampeonato ang nalasap ni Mariano sa poder ng Ginebra.