Hanggang ngayon ay wala pa ring seryosong pahayag si Alex Gonzaga kung siya ay buntis o hindi.
Kung matatandaan, taong 2024 ‘yon at Year of the Dragon nang pinlano nila ng asawang si Mikee Morada na magkaroon ng supling.
Pero sa kasamaang palad nga’y hindi ito nagkaroon ng katuparan.
Adhering to the belief na suwerte ang Year of the Dragon ay nagresulta pa nga raw ito sa pagkagalit kay Alex ng kanyang ama, si Daddy Bonoy.
How could her daughter embrace such belief, eh, hindi nga naman daw sila Chinese?
To make her pregnancy happen nga’y Alex even resorted to IVF, but to no avail.
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko that Alex suffered a miscarriage.
Sa ngayon, having learned her lesson ay tuluyan nang iniligwak ni Alex ang pressure na mabuntis.
Pati nga raw alok noon na mag-concert abroad ay tinabla ni Alex to give way to her pregnancy.
At ngayong hindi na raw siya pressured, she has more time to focus on other things which keep her busy.
Bukod sa mga business ventures nila ni Mikee, may oras na rin si Alex to travel and be with her mom.
Sana nga’y totoo na ang balitang buntis ngayon si Alex.
‘Yan din ang prayers ngayon ng kanyang nga friends, families and fans.

Share.
Exit mobile version