Muling nagdala ng karangalan sa Pilipinas si Filipina tennis star Alex Eala matapos masungkit ang titulo sa WTA 125 Birmingham Open sa England nitong Linggo ng gabi, Hunyo 7 (oras sa Pilipinas).
Sa dikit na laban, bumawi si Eala mula sa unang set at tuluyang tinalo ang umuusbong na manlalarong Czech na si Nikola Bartunkova sa iskor na 5-7, 6-3, 7-5.
Ito ang unang tropeo ni Eala ngayong season at ikalawa niyang WTA title matapos ang tagumpay niya sa Guadalajara 125 Open sa Mexico noong nakaraang Setyembre.
Naging mas matamis pa ang tagumpay niya dahil ito rin ang unang pagkakataon na nakapagtala siya ng panalo laban sa isang Czech player matapos ang 14 na pagtatangka mula nang magsimula siyang maging propesyonal noong 2020.
ā€œI’m so honored to lift this trophy today. Lifting this trophy only makes me more motivated to keep working,ā€ anang 21-year-old na si Eala matapos ang kanyang tagumpay.

Share.