Ibinida ni Alex Eala ang kanyang larawan kasama si Princess Catherine of Wales.
Laman ng Instagram Story ngayong araw na ito ang larawan kung saan makikitang kasama nito ang Princess of Wales. Royalty
Kasama din sa larawan ang beshie ni Alex na si Turkish  tennis player Zeynep Sonmez.
“So honoured to have grab a pic with Her Royal Highness,” ayon sa caption ni Alex.
Kasalukuyang nasa London sina Alex at Zeynep kung saan ginaganap ang prestihiyosong Wimbledon Championships.
Si Alex ay naka-iskedyul ngayong lumaban kay Iga Swiatek sa Round 3 ng Wimbledon singles.

Share.
Exit mobile version