Bigo nang makausad ang Filipina Tennis Star na si Alex Eala sa susunod na round nang talunin ni Jelena Ostapenko, 6-4, 7-5, sa Round of 16 ng Upper Austria Ladies Linz Open noong Miyerkules, Abril 8, 2026.
Unang nagpakita si Eala ng magandang laro matapos siyang manguna sa parehong set. Umabante siya ng 4-2 sa unang set at nagpakitang-gilas pa sa ikalawang set nang makuha ang 4-0 na lamang.
Gayunpaman, nakabawi si Ostapenko at ipinamalas ang kanyang natatanging experince.
Nakuha ng Latvian player ang apat na sunod na laro upang maagaw ang unang set, bago tuluyang dominahin ang huling bahagi ng ikalawang set sa anim na magkakasunod na panalo upang maselyuhan ang naturang laban.
Bago ang kanyang pagkatalo, matagumpay na tinalo ni Eala si Julia Grabher sa Round of 32 sa iskor na 6-4, 6-3.
Samantala, ito rin ang kauna-unahang panalo ni Ostapenko laban kay Eala sa isang WTA tournament.
Sa kabila ng pagkabigo, inaasahang babalik agad ang Filipina Tennis star sa Stuttgart Open sa susunod na linggo.
Trending
- US-IRAN : PEACETALK IN PAKISTAN FAILED
- Alex Eala, ‘di kasali sa Linz Open nang talunin ni Ostapenko
- Kauna-unahang Kano nakaabot sa tuktok ng Mt. Everest pumanaw @ 97
- Mikee Quintos nag-skydiving sa Hawaii
- Gerald Anderson may resort sa Zambales
- Offset pinagbabaril sa loob ng Casino
- Babaeng naglalakad sa bangketa, nabagsakan ng bakal
- Kauna-unahang Kano nakaabot sa tuktok ng Mt. Everest pumanaw @ 97
