Sasabak ang Alas Pilipinas sa Southeast Asian Men’s V.League sa Hulyo 9 hanggang 13 sa Candon City sa Ilocos Sur.
Nagmula ang mga Pinoy spikers sa pagwalis sa nakaraang Alas Pilipinas Invitationals sa Smart Araneta Coliseum.
Target ng Alas Pilipinas, dalawang beses humataw ng bronze medal sa 2024 SEA V.League, ang premyong $55,000 (P3.15 milyon).
Lalahok din sa SEA V.League ang Cambodia, two-leg champion Thailand, runners-up Indonesia at Vietnam, ayon kay Ramon “Tats” Suzara, presidente ng nag-oorganisang Philippine National Volleyball Federation at Asian Volleyball Confederation.
Minalas ang Alas Pilipinas sa kampanya nila sa 11-nation Asian Volleyball Confederation Men’s Nations Cup sa Bahrain.
Ang SEA V.League ay bahagi ng preparasyon ng mga Pinoy hitters para sa 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship na pamamahalaan ng bansa sa Setyembre 12-28.