Dinagdagan ni Fernando Agad, Jr. ng isa pang silver medal ang kampanya ng ‘Pinas pagkaraang buhatin ang 141kg sa men’s 55kg clean and jerk sa 2025 Asian Weightlifting Championships sa Jiangshan, China nitong Sabado.

Unang nagtala ang 22-anyos na estudyante ng University of Cebu ng 113 sa snatch na pang-apat sa ranking bago iniangat ang 141kg na ikalawa. Ang kabuung 254kg niya pang-apat din sa total sa weeklong liftfest na binuksan noong May 9 at matatapos sa May 15.

Napunta ang dalawang gold at 1 silver sa Chinese (265kg) habang pangalawa ang Vietnamese na may 1 gold at at 2 silver (260kg) at pangatlo ang Pakistani sa 254kg.

Una nang nag-silver si Rosegie Ramos para sa mga pambato ng Samahang Weightlifting ng ‘Pinas sa pagpangalawa rin sa women’s 49kg sa inangat sa 90kg sa snatch. May 107kg siya sa C&J para sa 197kg total.

Huling nagwagi si Agad ng bronze sa nakaraang taong IWF World Championships sa Manama, Bahrain kung saan naka-263kg total siya mula sa 116kg sa snatch at 147kg sa C&J.

Share.