Muling iginiit ng abogado ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na si Atty. Jimmy Bondoc na wala silang impormasyon kung nasaan ang senador matapos itong umalis sa Senado noong madaling-araw ng Mayo 14.
Kasunod ito ng insidente ng putukan sa Senado na nauwi sa pag-alis ng senador sa gusali.
Sa isang press conference nitong Mayo 29, diretsahang sinabi ni Bondoc na kahit anong tanong ay maaari nilang sagutin maliban sa kinaroroonan ng senador.
“Kung may tanong po kayo ukol kay Senator Bato, puwede n’yo pong itanong kahit ano po… huwag lang po kung nasaan siya. Sinasabi ko na po ang totoo… hindi ko po alam, hindi ko po nais alamin at ito po ay galing sa puso,” ani Bondoc.
“Itanong n’yo na po lahat pero sinasabi ko na po inyo, hindi po talaga namin alam kung nasaan si Bato at lagi naming ipinagdadasal ang kanyang kaligtasan,” dagdag pa niya.

Share.
Exit mobile version