Arestado ang isang babae nang mahulihan ng P698, 660.00 halaga ng substandard na sangkap at pampalasa sa pagluluto sa bayan ng Paombong noong Abril 7.
Sa ulat na nakarating kay PBGEN Robert Morico II, Director ng CIDG, kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Merry”, nasa hustong gulang.
Ayon sa ulat, ikinasa ang operasyon ng CIDG Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit na may koordinasyon sa mga pulis na nakatalaga sa lugar 9:30 ng gabi sa Brgy. San Jose.
Nabatid na nahuli si alyas “Merry” na aktong nagbebenta ng sangkap at mga pampalasa sa pagluluto na hindi rehistrado sa mga awtoridad at tuwirang paglabag sa Republic Act No.9711 (Food and Drugs Administration Act of 2009) and Republic Act No. 7394 (Consumer Act of the Philippines).
Nasamsam ang mga kahon ng substandard cooking oil, vinegar at fish sauce na may halagang P698,660.00 sa suspek na nahaharap sa nasabing kaso habang nasa kustodiya ng naturang yunit.
Trending
- Blazers, dinala sa OT ang matchup vs Nuggets
- Bucks, talo sa Nets
- Walang panibagong lockdown sa Pinas – DOH
- Kaso ng measles-rubella sa Pinas, tumaas ng 45%
- Pagpapaptupad ng 100% online classes, pinayagan ng CHED
- Bato No. 1 absinero, pero may sahod sa Senado
- Libreng online courses sa AI, alok ng Harvard
- Bebot huli sa P698K substandard na mantika, suka, patis sa Bulacan

