LAS PIÑAS NGAYON —NASA higit 1,500 benepisyaryo ng National Housing Authority (NHA) ang nakatanggap ng iba’t ibang libreng serbisyo sa isinagawang People’s Caravan “Serbisyong Dala ay Pag-Asa” ng LAS PIÑAS City na ginanap sa CAA Elementary School.
Dumalo sa programa si Mayor April Aguilar kasama sina NHA General Manager Joeben Tai, NHA Assistant General Manager Alvin Feliciano, NCR South Sector Regional Manager Cromwell Teves, CSSD OIC Maricris Maninit, at PPLP District Office Chief Corporate Attorney/OIC Atty. Erly Ecal, at Congressman Mark Anthony Santos.
Binigyang-diin naman ni Cong. Santos na wala ng Las Piñero ang mapapaalis mula sa kanilang tahanan. Kaagapay ng lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng People’s Caravan ang mga tanggapan ng UPAO/EMDO, City Health Office (CHO), City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Senior Citizen Affairs Office, City Engineering Office, City General Services Office, Las Piñas Manpower Training Center, at PESO upang hatiran ng libreng mga serbisyo partikular sa medikal at pangkabuhayan ang ating mga kababayan.
Tinangkilik din ng mga benepisyaryo ang mga serbisyong handog ng iba’t ibang ahensiya at institusyon ng gobyerno kabilang ang AFP Health Service Command, Philippine Air Force, PNP Health Service, PNP NCRPO, BJMP NCR, DSWD-NCR, DA-AMAS, DICT, LTO, PSA, PAO, TESDA NCR, PCSO, Pag-IBIG, SSS, at Paramount Human Resource. Ang People’s Caravan ay bahagi ng patuloy na programa ng lokal na pamahalaan na maghatid ng libreng serbisyo, tulong, at pag-asa sa mga Las Pin̈ero. (Gina Garcia)

Share.