PARAÑAQUE TODAY– PINAGTIBAY ni City Mayor “Kuya” Edwin L. Olivarez ang pangako ng kasalukuyang administrasyon sa agarang paghahatid ng mga serbisyo ng pamahalaang lungsod sa mga nasasakupan nito sa pamamagitan ng General Services Office (GSO).

Hinimok ng Alkade ang GSO na manatiling matalino sa paggastos, dahil pinahahalagahan ng pamahalaang lungsod ang mga buwis na galing sa pinaghirapang pera ng mga residente nito.

Dagdag pa ni Olivarez na ang alokasyon ng budget ng lungsod dapat gastusin nang wasto, at ang pamahalaang lungsod, sa pamamagitan ng GSO, ay dapat magpatuloy sa pagtupad sa pananagutan at transparency sa proseso ng pagkuha.

Pinuri ni Olivàrez ang GSO sa mahusay at napapanahong paghahatid ng mga serbisyo at pagbigay-seguridad sa mga pag-aari ng Paran̈aque sa ilalim ng liderato ni Atty. Arvin Tapia kabilang ang iba pang sangay ng lokal na pamahalaan lalo na ang nakalipas na sama ng panahon nitong buwan ng Hulyo.

“Napaka-importante po ‘yung timing, importante-importante po ‘yung pangangailangan maibigay po ng ating GSO sa lahat ng opisina, sa lahat ng (service) department dito sa ating siyudad,” pahayag ni Parañaque City Mayor Olivarez. (Gina Garcia)

Share.