SANTA MARIA, Bulacan — Isang dating pulis at dalawa pa ang inaresto kaugnay ng insidente ng holdap sa Barangay Poblacion sa bayang ito kahapon, Agosto 26.
Ayon kay Lt. Col. Voltaire Rivera, hepe ng pulisya sa Santa Maria, kinilala ang dating pulis bilang si Roque, residente ng Trece Martires, Cavite.
Kasama niya sa krimen sina alias Chilito mula Quezon City at alias Ric mula Blumentritt, Maynila. Ang biktima ay isang 71 taong gulang na negosyante na residente ng Barangay Poblacion.
Sa paunang imbestigasyon, papunta ang biktima sa bangko upang magdeposito ng halagang ₱550,000.
Habang nasa parking area sa A. Santiago Street, Barangay Poblacion, nilapitan siya ni alias Chilito mula sa likod, tinutukan ng baril, at kinuha ang pera. Agad itong sumakay sa isang pink na Yamaha Mio MXi 125 na walang plaka, minamaneho ni Roque, at tumakas patungong Barangay Catmon.
Humingi agad ng tulong ang biktima sa isang traffic enforcer sa lugar, na agad namang nag-ulat sa Santa Maria Police Station.
Nagpalabas ng flash alarm ang pulisya sa mga mobile patrol, na naging daan sa pagkakaaresto ng mga suspek.
Narekober ng pulisya ang mga sumusunod:
Isang Glock 22 Gen. 4 cal. .40 pistol (serial number: AAMV111); magazine na may 12 bala ng hollow point; pink na Yamaha Mio MXi 125 na walang plaka; ₱550,000 cash.
Sa follow-up investigation, naaresto rin si alias Ric na umano’y nagsilbing spotter sa insidente ng holdap.
Trending
- 2 TULAK TIKLO
- ALCANTARA NAGTATWA
- Alex Eala nagmarka sa Kasaysayan!
- UP Campus, Kampeon sa Chess sa Quezon City
- EFREN “BATA” REYES YALIN 10-BAll: GALLITO KAMPEON
- SUBSTANDARD SOLAR LIGHTS AT PANELS NASAMSAM SA BULACAN
- TIANGCO TO ABANTE: DON’T SPREAD FAKE NEWS TO DEFEND ZALDY CO
- Produktong Bulacan bida sa ‘Tatak Singkaban Trade Fair’