Matapos ang  makasaysayang pagbabalik sa ring, si Manny Pacquiao ay iniangat bilang No. 1 contender sa World Boxing Council (WBC) welterweight rankings.

Noong Hulyo 19, 2025, iginawad ang majority draw sa laban ni  Pacquiao kay Mario Barrios sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas. Nanatiling kampeon si Barrios.

Pero mula sa dating No. 5, umakyat si Pacquiao sa No. 1 contender.

Maraming  eksperto ang naniniwalang si Pacquiao ang dapat nanalo.

Plano ni Pacquiao na muling lumaban sa Disyembre.

Maaring makalaban ni Pacquiao sinuman kina WBA champion Rolly Romero ; WBO champion Brian Norman Jr. ; at rising boxing superstar Gervonta Davis.

Pero possible pa rin ang  isang rematch kay Barrios.

Pinagkalooban din si Pacquiao ng Aztec Warrior Belt ng WBC bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa boksing,  at tinatayang kokolekta siya ng multi-bilyong pisong premyo kahit sino ang makalaban niya sa Disyembre.

 

 

www.youtube.com/shorts/Ta9DzwympjU

www.youtube.com/shorts/eyUqp57l7Rw

www.youtube.com/shorts/XRaTfD_B7m0

www.youtube.com/shorts/WBO8X7a4Oj4

Share.