Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon laban sa Senado ukol sa boto sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa isang mahalagang desisyon nitong Setyembre Β trenta, dosmil beinte sais, ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyon na inihain nina Vic Rodriguez, Ernesto Francisco Junior Β at Berteni Causing.

Ang kanilang petisyon ay kumukwestyon sa interpretasyon ng Senate Impeachment Court hinggil sa two-thirds vote na kailangan upang mahatulan si Bise Presidente Sara Duterte sa kasong impeachment.

Pinuna ng mga petitioner ang desisyon ng Senado noong Setyembre beintre-tres dosmil beinte sais na nagsasabing ang β€œtwo-thirds of all the Members of the Senate” ay tumutukoy lamang sa mga senador na legal at aktwal na makakalahok sa paglilitis.

Para sa kanila, binabago nito ang nakasaad sa Konstitusyon na dapat ay labing-anim na Β boto mula sa dalawamput-apat Β na senador ang kailangan upang makamit ang hatol ng conviction.

Ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyon dahil sa procedural grounds.

Tinukoy ditto ang Lack of standing – hindi direktang apektado ang mga petitioner.

Gayun din ang Prematurity – wala pang hatol o conviction na nagaganap sa Senado.

Hindi pa tinugunan ng Supreme Court Β ang substantibong isyu kung disisais boto ba ang tiyak na kailangan o maaaring magbago depende sa bilang ng mga makakalahok na senador.

Ibig sabihin, Β magpapatuloy ang impeachment trial sa ilalim ng interpretasyon ng Senado.

Nanatiling bukas ang usapin kung paano dapat bilangin ang two-thirds vote sa mga susunod na kaso.

Kung sakaling magkaroon ng conviction, posibleng muling dalhin sa Korte Suprema ang mas malalim na debate sa konstitusyonal na threshold.

Sa madaling salita: Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon laban sa Senado, ngunit hindi pa rin tapos ang usapin sa tunay na kahulugan ng two-thirds vote.

Share.