Proud mom ang peg ni Kris Aquino matapos niyang i-flex sa Instagram ang latest endorsement ng bunsong anak na si Bimby Aquino.
Isang HMO o Health Maintenance Organization ang kumuha kay Bimby bilang bagong mukha ng kanilang Individual and Family Plans, at mismong Queen of All Media pa ang nagbahagi nito sa kanyang social media account.
Kaya naman para sa fans, ramdam na ramdam kung gaano kasaya at ka-proud si Kris sa panibagong achievement ng anak.
May personal touch din ang endorsement dahil iniugnay ang pagiging responsable at handa ni Bimby sa kinabukasan sa mga karanasang pinagdaanan ng kanilang pamilya.
βBimby Aquino for iCare HMO brings a deeply personal perspective to care, responsibility, and preparedness, shaped in part by growing up while seeing someone he loves face an ongoing health battle.
βHis mom Kris Aquinoβs health journey has made those lessons especially meaningful. As the new face of iCare HMO Individual and Family Plans, Bimby is stepping into young adulthood, learning to make his own decisions, take on new responsibilities, and think more intentionally about the future,β bahagi ng endorsement post.
Napa-wow naman ang supporters ng mag-ina nang makita nilang mismong si Kris ang nag-flex ng campaign ni Bimby sa kanyang Instagram.
May mga faney pang humirit na suwerte ang naturang HMO dahil bukod sa pagkakaroon kay Bimby bilang endorser, nabigyan pa ito ng dagdag na exposure mula mismo sa Queen of All Media.
Trending
- KORTE SUPREMA PABOR SA SENADO: 2/3 VOTE THRESHOLD
- Arquero naghari sa Masikhay Gambit Rapid Chess
- 3RD GOLD NG PINAS SINUNGKIT NI OBIENA; 18 MEDALS NA
- Kris Aquino, proud na proud sa bagong endorsement ni Bimby
- Nadine Lustre, pinatahimik ang buntis issue nang i-flex ang abs
- Anne Curtis itinangging βSalamat, Doc!β ang ganda
- ππππ. πππ. πππππ, ππππ« πππππππ πππ ππππππππ ππ ππππ-ππ πππππ πππππππ πππππππ
- Skechers, Maharlika nagkasundo sa Pickleball

