Anumang oras o araw ayy lalagdaan ang panukalang batas na nagtatakda sa limang taon ang termino ng mga barangay official at awtomatikongn nagpapaliban sa nakatakdang eleksiyon sa Nobyembre dos, dosmil beinte sais.
Isa nang enrolled bill ang panukalang batas matapos paggtibayin ng Senado at Kamara ng mga Representante kung saan itinakda ang susunod na eleksiyon sa Nobyembre , Dosmil Beinte Otso.
Inaprubahan ang Senate Bill  sa botong 13–5.
Pinagtibay naman ang House Bill  na tumanggap sa bersyon ng Senado upang maiwasan ang bicameral conference.
Ang termino ng  barangay officials ay may  maximum na dalawang sunod na termino samantalang ang  SK officials ay isang termino lamang.
Ilang senador gaya nina Pangilinan, Aquino, Hontiveros, Villanueva, at Sotto ay nagsabing ang paulit-ulit na pagpapaliban ay nakakasagasa sa karapatan ng mamamayan na bumoto. Ito na ang walong beses na naantala ang barangay elections.
Nakikiusap naman si election lawyer Romulo Macalintal kay Pangulong Marcos na i-veto ang panukala.
Giit niya, labag sa Konstitusyon ang pagpapalawig ng termino sa pamamagitan ng batas, at dapat ay ipatupad lamang ito sa mga opisyal na mahalal sa Dosmil Beinte Sais.
May naunang desisyon ang Korte Suprema na nagsasabing labag sa Konstitusyon ang postponement ng BSKE noong dosmil beinte doos, kaya’t inaasahang muling haharap sa hamon ang panukalang ito.
Iniulat na nasa Malacañang na ang enrolled bill at naghihintay ng aksyon ng Pangulo.
Kapag nilagdaan o hinayaang maging batas , ililipat ang  halalan sa Dosmil Beinte Otso, limang taong termino ang ipatutupad.
Kapag na-veto, ma matutuloy ang halalan sa Nobyembre dos, dosmil beinte sais, na may kasalukuyang apat na taong termino.
Nilinaw ng COMELEC na  handa nang magsagawa ng halalan kung walang batas na magpapaliban bago matapos ang Setyembre Beinte sais.
Share.