Inakala ng isang netizen na
deported na si Gerald Sibayan, dating asawa ni Ai Ai de las Alas.
Nasambit tuloy ng netizen na: “Nasa Amerika pa rin pala si Gerald. Akala ko, na-deport!”
Agad nilinaw ng Comedy Queen na hindi ganito ang nangyari kay Gerald.
Tinanong din ng netizen kung paghihiganti din daw ba ang ginawa ni Ai Ai in seeking revocation of Gerald’s green card sa petisyon nito.
Tanong ng netizen: “So hindi vengeance?”
Heto ang paliwanag ng komedyana: “Kasabay kasi ‘yon ng divorce, matic na revocation.”
Nilinaw din ni Ai Ai na wala na siyang pakialam sa anumang gustuhing gawin ni Gerald sa kanyang buhay.
Hindi din siya apektado sa pagpapakasal nito sa ibang babae.
At sa isyu ng pagpapa-deport: “Baka magalit si Lord!”
Trending
- Enrolled bill sa BSKE postponement, lalagdaan na ni PBBM
- Asian Games: Philippines Women’s Team naka-bronze sa kata
- RAGA NG PILIPINAS, KAMPEON SA JAPAN MEN’S 10-BALL CHAMPIONSHIPS
- Moira, inamin ang paglaglag ng mga kaibigan
- Ai Ai, ‘di affected sa pagpapakasal ng dating asawa
- Bela at Martin, umamin na
- Presyo ng ilang pangunahing bilihin asahan na magtataas
- DFA maghahain ng diplomatic protest laban sa China

