Trending ang photos ng naging preparasyon ni Nadine Lustre para sa photoshoot ng isang kilalang apparel brand.
Sa ilan sa mga litrato, makikitang ipiprisinta sa actress ang buntot na kanyang isusuot.
Sa concept kasi ng commercial, isa siyang sirenang nagkatawang-tao at naghahanap ng pantalon.
Pak na pak naman ang underwater scenes niya sa kaakibat na clip kung saan makikita siyang lumalangoy.
‘Di lang kami sure kung may body double ang aktres nang kunan ang kanyang freediving scenes sa malalim na karagatan.
Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng kibitzers sa naturang photos and clips.
“Bagay sa kanya ang Dyesebel.”
“Advantage rin niya ang pagiging island girl. She knows how to swim and free dive.”
“At may advocacy siya sa marine preservation.”
“Ang cute lang ng concept.”
“She’s perfect for the role.”
“Dyesebel na hindi tisay. Why not?”
====
Trending
- Team Philippines handa na para sa 20th Asian Games at 5th Asian Para Games
- Alex Eala palihim na dumating ng bansa
- John Arcilla, nagmura sa kanta
- Nadine, swak na Dyesebel
- Gary V, aminadong ‘di na kaya mag-perform sa malaking venue
- GULO SA RESORT : PCG SABIT
- Malabon City : “Handog ng Pangulo 2026 Serbisyong Tapat Para Sa Lahat”
- Babaeng pasahero mula Doha Qatar hinarang sa NAIA terminal 3.

