Umabot sa 3,000 Malaboneño ang nakinabang sa iba’t ibang serbisyo at tulong sa pamamagitan ng “Handog ng Pangulo 2026 Serbisyong Tapat Para Sa Lahat,” na pinangunahan ng National government katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon, bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong September 13.
Ang aktibidad na ginanap sa Malabon Sports Center at Atis Court sa Barangay Potrero ay pinagsama-samang iba’t ibang ahensya ng pambansang pamahalaan at mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod, upang mas madali at maginhawang makakuha ang mga residente ng iba’t ibang serbisyo at tulong-publiko.
“Ang serbisyo ng gobyerno ay dapat nararamdaman at madaling naaabot ng ating mga kababayan. Sa pamamagitan ng Handog ng Pangulo, mas napalapit natin sa mga Malabueño ang iba’t ibang serbisyo at tulong mula sa national at city government. Naging mas madali para sa ating mga residente na makuha ang serbisyong kailangan nila,” ani Mayor Jeannie Sandoval.
Kabilang sa mga programa ang pamamahagi ng tulong sa ilalim ng AICS ng DSWD, Information Booth para sa Sustainable Livelihood Program, Wireless Mental and Psychosocial Support Program. Namahagi rin ang DOLE ng ₱1.96 milyong allowance sa 260 benepisyaryo ng Government Internship Program at sa 300 benepisyaryo ng SPES.
Sa pamamagitan ng Kadiwa ng Pangulo, nasa 1,000 indibidwal ang nakabili ng mga produktong abot-kaya ang presyo, kabilang ang ₱20 bawat kilo ng bigas habang. nagbigay din ang Department of Agriculture (DA) ng mga serbisyong beterinaryo sa 100 benepisyaryo.
Nakakuha rin ang mga residente ng mga serbisyo mula sa iba’t ibang programa ng Department of Health (DOH), at sa PhilHealth para sa pag-generate ng PhilHealth Identification Number, paglabas ng mga ID at Member Data Record, at mga serbisyong YAKAP at GAMOT.
Kabilang sa iba pang serbisyo ang pagproseso ng NBI Clearance, police clearance mula sa PNP, Business Name Registration at Business Counseling mula sa DTI, legal konsultasyon mula sa DOJ, at National ID Registration sa pamamagitan ng PSA.
Samantala, tumanggap ng kanilang training allowance mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang 25 nagtapos ng Computer Systems Servicing National Certification II.
Nangako rin si Mayor Sandoval na patuloy siyang makikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng pambansang pamahalaan upang matiyak na mas maraming programa, serbisyo, at oportunidad ang makakarating sa mga Malabueño na tutugon sa kanilang mga pangangailangan.(Roger Panizal)
Trending
- Team Philippines handa na para sa 20th Asian Games at 5th Asian Para Games
- Alex Eala palihim na dumating ng bansa
- John Arcilla, nagmura sa kanta
- Nadine, swak na Dyesebel
- Gary V, aminadong ‘di na kaya mag-perform sa malaking venue
- GULO SA RESORT : PCG SABIT
- Malabon City : “Handog ng Pangulo 2026 Serbisyong Tapat Para Sa Lahat”
- Babaeng pasahero mula Doha Qatar hinarang sa NAIA terminal 3.

