IPAPAKALAT ang nasa higit 15,746 pwersa ng National Capital region Police Office (NCRPO) para sa kaayusan at seguridad sa buong Metro Manila para sa paggunita ng ika-54 anibersaryo ng martial law.
Binubuo ng 9,746 mula sa NCR at 6,000 karagdagang tropa, para sa komprehensibong planong panseguridad sa pagtatalaga sa mga kritikal na lugar ng pagtitipon, mga pasilidad ng gobyerno, pangunahing lansangan, at mga makasaysayang lugar ng pagtitipon kabilang ang Mendiola, EDSA Shrine, People Power Monument, Liwasang Bonifacio, at Embahada ng U.S.
Binigyang-diin ng NCRPO na ang naturang bilang ay isang kalkulado at kinakailangang tugon na idinisenyo upang umangkop sa masalimuot na realidad ng seguridad sa kalakhang Maynila.
Ibinatay ang paghahanda sa mga naging karanasan mula sa mga nakalipas na paggunita, kabilang ang naganap noong nakalipas na taon, kung saan biglaan ang pagdaming tao at pagbabara sa mga kalsada na nakaapekto sa daloy ng trapiko.
Sa halip na tumugon lamang kapag may untoward incidents, tinitiyak ng operasyong ito na sapat ang bilang ng mga tauhan na nakapuwesto na upang pangasiwaan din ang trapiko.
Binigyang-diin ni NCRPO Officer-in-Charge P/Brig. General Christopher Abrahano na ang malakihang deployment ay isang matibay na pangako sa kaligtasan ng publiko, responsibilidad ng institusyon, at sa malayang paggamit ng mga karapatang konstitusyonal.
“Our singular focus for September 21 is to keep the entire metropolis safe, orderly, and fully functioning,”ani Abrahano.
“Every officer on the ground is instructed to respect human rights, strictly adhere to Police Operational Procedures, and exercise maximum tolerance at all times. Security is not meant to stifle expression, but to protect it. We appeal to all participants and the public to cooperate with authorities, respect the rule of law, and ensure that peaceful assemblies remain peaceful so that everyone gets to return home safely to their families,”ani NCRPO director Abrahano. (Gina Garcia)

Share.