Naantala ang arraignment ni Bise Presidente Sara Duterte sa kasong grave threats na dapat sana’y isinagawa ngayongg Setyembre Onse sa Quezon City RTC Branch Ninety Eight.

Mga Dahilan ng Pagkaantala:

Una, ang Motion for Inhibition  na humiling na mag-inhibit ang hukom na nakatalaga sa kaso.

Ikalawa, ang Motion for Certiorari at Prohibition na  inihain noong Agosto Beinte Uno, upang kuwestiyunin ang bisa ng mga isinampang impormasyon laban sa kanya.

Ikatlo ang Petisyon sa Korte Suprema  noong  Setyembre Siete dahil naghain ang kanyang mga abogado ng petisyon para sa Temporary Restraining Order  at writ of preliminary injunction upang ipatigil ang arraignment.

Iginiit ng kampo ni Duterte na bilang isang impeachable official, siya ay may tinatawag na “limited procedural immunity” at hindi dapat isailalim sa criminal prosecution habang nasa puwesto.

Ayon sa kanila, nagkaroon ng grave abuse of discretion ang DOJ sa pagsasampa ng kaso.

Kasama rin sa kanilang hiling ang pag-recall ng arrest warrants na inilabas noong Setyembre Kuwatro.

Sa ngayon,  walang bagong petsa na itinakda at  nakabinbin hanggang maresolba ang mga mosyon.

Kabilang sa kaso ang  tatlong bilang ng grave threats kaugnay sa pahayag ni Duterte noong Nobyembre Dosmil Beinte Kuwatro na mag-uutos umano ng pagpatay kung siya ay sasaktan.

Bukod sa kasong kriminal, nakaharap din siya sa impeachment proceedings sa Kongreso, na lalong nagpapataas ng tensyon sa politika.

Ang mga implikasyon ng aksiyon ng depensa ay ang mga ito:

Ang pagkaantala ay nangangahulugang hindi matutuloy ang arraignment hangga’t hindi nareresolba ang mga mosyon.

Kung magbibigay ng TRO ang Korte Suprema, maaaring maantala nang walang hanggan ang proseso sa QC RTC.

Kung tatanggihan, maaaring muling itakda ng RTC ang arraignment matapos maresolba ang motion for inhibition.

Kasabay nito, nagpapatuloy ang impeachment proceedings sa Kongreso, na lalong nagpapataas ng bigat ng legal at politikal na sitwasyon.

Share.