Sa 318 miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, 98 lamang ang nakapagtala ng perfect attendance sa unang isa’t kalahating taon ng 20th Congress, o mula Hulyo 28, 2025 hanggang Hunyo 3, 2026.
Ito ang lumabas sa pinagtibay na House Resolution (HR) 1396 na inakda nina House Speaker Faustino “Bojie” Dy III at House majority leader Sandro Marcos na nagpaparangal sa 98 congressmen na naka-perfect attendance.
Lumalabas na 30.8% lang ang nakabuo ng attendance sa 39 session days sa First Regular Session ng 20th Congress habang 79.2% ang nabigong pasukan ang lahat ng session ng Kapulungan.
Sa nasabing bilang, 79 ang District Congressmen ang pumasok sa lahat ng session ng Kamara mula sa 254 congressional district habang 19 naman ang perfect ang attendance mula sa hanay ng party-list group na 64 lahat ang bilang.
Wala ang pangalan nina Dy at House minority leader Marcelino libanan sa 98 Congressmen subalit ang mga ito kasama si House committee on ethics and privileges chairman JC Abalos ng 4Ps party-lsit na kabilang sa may perfect attendance, sa nasabing resolusyon.
Sa Metro Manila, kabilang sina Paranaque Rep. Brian Yamsuan, Caloocan City Reps.Edgar Rice at Oscar Malapitan, Pasay City Rep. Antonio Calixto, Mandaluyong Rep. Queenie Gonzales, Manila Reps. Joel Chua, Giselle Mary Maceda at Ernesto Dionisio, Quezon City Rep. Victoria Co-Pilar at PM Vargas, Muntinlupa City Rep. Jaime Fresnedi, Valenzuela Reps. Kennet Gatchalian at Gerald Galang, Pasig City Rep. Roman Romulo at Marikina City Rep. Marcelino Teodoro.
Sa labas ng Metro Manila ay perfect attendance din si House majority lader Sandro Marcos, ang mag-inang sina Cavite Reps. Lani Mercado-Revilla at Ramon “Jolo” Revilla, Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, Deputy Speaker at Iloilo Rep. Janette Garin, Romblon Rep.Eleandro Jesus Madrona at iba pa.
Kabilang namans a mga may perfect attendance sa hanay ng party-list sina ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio, Akbayan party-list Reps. Chel Diokno at Dada Kiram Ismula, PFJ Panday Bayanihan party-list Rep. Brian Poe, Kabataan party-list Rep. Renee Co; ,United Senior Citizen party-list Rep. Milagros-Magsaysay at mga kinatawan sa Trabaho, Magbubukid, Solid North, Bagong Henerasyon, 1-Rider, Alona, GP, Sagip, Kamalayan, KM Ngayon, Malasakit Bayanihan at Nanay party-list.
