Karamihan sa mga Pilipino ang naniniwalang kailangan ang abot-kayang rooftop solar sa gitna ng tumataas na demand sa kuryente, batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
Sa news release nitong Huwebes, sinabi ng Pulse Asia na 93 porsiyento ng mga Pilipino ang naniniwalang ang tumataas na electricity demand ay dahilan upang maging kinakailangan ang abot-kayang rooftop solar.
“Nearly all Filipinos agree that the government should make rooftop solar more affordable,” ayon sa Pulse Asia.
Ipinakita rin ng survey ang malakas na suporta ng publiko sa mga polisiyang magpapalawak ng access sa renewable energy, magpapababa ng gastos sa kuryente, at magpapalakas sa energy security ng bansa.
Ayon sa Pulse Asia, 97 porsiyento ng mga respondent ang nababahala sa kasalukuyang energy challenges, habang 77 porsiyento ang kumilala sa pag-asa ng bansa sa imported oil, coal, at natural gas.
Samantala, 66 porsiyento ng mga respondent ang nagsabing ang pagpapalawak ng renewable energy ang pinakamabisang paraan upang tugunan ang mga suliranin sa enerhiya, kung saan lumitaw bilang pangunahing prayoridad ang gawing abot-kaya ang rooftop solar.
Gayunman, lumabas sa survey na affordability ang pinakamalaking hadlang sa mas malawak na paggamit nito.
“While public support for rooftop solar is high, Filipinos believe that lower costs, better access to information, and affordable financing are needed to make the technology accessible to more consumers,” ayon sa Pulse Asia.
Sa mga respondent, 91 porsiyento ang nagsabing magiging posible ang malawakang paggamit ng rooftop solar kung magkakaroon ng abot-kayang financing options.
Nakita rin sa survey na 85 porsiyento ng mga respondent ang tumitingin sa rooftop solar bilang pangangailangan at hindi luho.
Trending
- EALA UPSETS SWIATEK IN A CARDIAC GAME
- Spain, dinomina ang pisikalang laban kontra Austria, 3-0
- Heart, naospital na, na-bash pa
- Wetpax ni Shuvee, hinampas ng fan
- BB, kampi kay Robin sa Juvenile Justice Law
- Suporta ng Japan sa paglago ng Pilipinas ‘di magbabago sa gitna ng UMIC status
- Ugnayan ng Pilipinas, Canada sa turismo, labor at migration palalakasin
- One-strike policy mahigpit na ipinatutupad sa BOC
