Umakyat na sa 90 ang bilang ng mga nasawi sa gas explosion sa coal mine sa Shanxi province, China.
Ang gas explosion ay nangyari nitong Biyernes, Mayo 22 sa Liushenyu coal mine sa Qinyuan county, kung saan mayroong 247 manggagawa ang naka-duty underground.
Nanawagan naman si Chinese President Xi Jinping sa mga awtoridad “to spare no effort” sa paggamot sa mga nasaktan at pagsasagawa ng search and rescue operations, kasabay ng masusing imbestigasyon sa sanhi ng insidente at nanawagan ng mahigpit na accountability na naaayon sa batas.
Nanawagan din si Premier Li Qiang ng napapanahon at eksaktong paglalabas ng mga impormasyon sa insidente.
Naka-detain na ang mga opisyal ng kompanya na nagpapatakbo ng minahan.
Sa naunang ulat ay mayroong walong nasawi at mahigit 200 katao ang nasagip.
Trending
- Dimples, nakabalik na from Spain, walang chicka sa Bea-Vincent wedding
- Rita, pabor na ‘di tumakbo si Leni sa pagka-pangulo
- Awra, rumesbak sa professor
- NASCAR Cup Series champion Kylie Busch pumanaw na sa edad 41
- Eala vs Iva Jovic
- Isa sa mga TBM ng Metro Manila Subway Project bumiyahe na
- Higit 4,600 bagong kaso ng HIV, naitala
- Reporma sa basic education, isinusulong ng DepEd
